From the recording Isang Linggo Na Naman

Lyrics

I. Tuwing Huwebes ng gabi, 'di mapakali
Biyernes ng umaga, ako'y namamalengke
Sinisiguradong wala ng kulang
Mayroon ng pelikulang narentahan
Alas siyete y media ako'y handa na
Sa pagdating mo, sa pagdating mo

II. Linggo ng tanghali lalakad ka na
Hahagkan mo ako, yayakapin kita
Habang palayo na ang sasakyan mo
Heto na naman ang mga luha ko
Hindi na nasanay sa situwasiyon ko
Umaasa na lang sa pagbabalik mo

CHORUS
Isang linggo na namang maghihintay
Isang linggo na namang magkahiwalay
Isang linggo na namang
Buhay ko'y kulang na kulang
Isang linggo na namang maghihintay

III. Tuwing araw ng Pasko
O kaya birthday mo
Kung hindi rin lang Biyernes, pasensiya ako
Kung hindi advance ay belated na lang
Nag-ce-celebrate ako na parang buwang
Pero Biyernes Santo ay akin ka lang
Hanggang Linggo, o hanggang Linggo

CHORUS

IV. Mga kapitbahay nagtataka na
Hindi maharap mga titig nila
Hindi importanteng maintindihan
Ang mahalaga'y ang ating sumpaan
Kahit ano'ng hirap ay titiisin
Basta huwag ka lang mawala sa akin

CHORUS