From the recording Kung Mabibisto Mo

Lyrics

I. Di mo mahahalata, di mo makikita
Pagkaâ't ayokong malaman kaagad ng iba
Na may nilalaang pagmamahal sa iyo
Hindi mo mahuhuli, kahit ikaw pa’ng katabi
Hindi mo mapapansin na sa iyo nakatingin
At may tinatagong pagmamahal sa iyo

Chorus
Ako’y nanangamba, natatakot ipaalam sa iyo
Puso’y hindi sanay, baka masaktan ito
Kung mabibisto mo, kung mabibisto mo

II. Ikaw ba’y magtataka o di kaya’y tatawa
Kunwari’y di narinig ang tawag ng pag-ibig
Itatakwil mo ba’ng pagmamahal sa iyo
Kaya’t nangako akong hindi na lang kikibo
‘Di aaminin sa ‘yo magunaw man ang mundo
Sa habangbuhay ko, magmamahal sa iyo

Repeat Chorus

Sana mabisto, sana mabisto mo